Sabado, Nobyembre 22, 2008

Eksam na naman!

Para sa mga gagawa ng podcast,
pumunta lamang sa
http://www.savefile.com/files/1897237

Gawa ito ni Miggy Martinez ng 2A.

Para sa mga makikinig sa dulang gagamitin sa eksam
magmiyembro lamang sa
indiospeak5.multiply.com

Site naman ito ni Ser Melvin Apo.

Maligayang pagpi-Pinoy! 

Miyerkules, Oktubre 8, 2008

iba pang dula

May multiply na ang mga Dulang Panradyo natin!
In-upload ni Ser Melvin Apo.
Pakinggan sa indiospeak5.multiply.com

Martes, Setyembre 23, 2008

dyesebel at sinag ng araw

Dahil may mga nagsasabing hindi nila ma-download ang mga dulang panradyo,
inilagay ko sa Megaupload.
Tingnan n'yo nga kung uubra.

Dyesebel
http://www.megaupload.com/?d=UX8LSXAW

Sinag ng Araw, Anino ng Buwan
http://www.megaupload.com/?d=5X4XNY2W

Sabado, Setyembre 13, 2008

Dyesebel

Para sa mga tagasubaybay ng podcasts ko. Hehe.
Gawa namin ito ng 2nd year level dati.
Dalawang take lang yung pag-arte.
Tapos lahat ng iba post-prod na.
Ako, mag-isa, sa 4-track mixer.
Wala pang Audacity noon.
Kung anuman, baka may matutunan pa rin kayo.
Tunghayan ang DYESEBEL...huling tagpo!

Huwebes, Agosto 28, 2008

Huwag kang ma-INGAY!

Ano ba ang Ingay sa radyo?

Iyon ba 'yung tunog na walang kahulugan at hindi kailangan?

Sige, pero bago ako magpaliwanag, pakinggan mo muna ito.

Siguro kung itanong ko sa iyo kung ano ang nangyari, may maisasagot ka.
Pati kung saan at kailan nangyari mayroon kang hula.
Bakit ganoon?
Kasi kiniliti ng Ingay ang imahinasyon mo.
Ingay. Sa Ingles, sound effects.

Tatlo ang silbi ng Ingay.

Una, iginuguhit nito ang tagpuan--ang saan at kailan ng isang eksena.

Halimbawa,

Nasaan tayo ngayon? Anong oras na?

E ngayon?

E ngayon?

Ingay--tagpuan.

Pangalawa, inilalarawan nito ang ginagawa ng mga tauhan.

Subukan natin.

Ano ang ginagawa ko ngayon?

E ngayon?

Ano naman ang ginagawa ng katabi ko?

Alam mo ang sagot kahit hindi ko sinabi.

Sinabi sa iyo ng Ingay ang ginagawa ng tauhan.

Pangatlo,

minsan ginagamit ang Ingay para malaman mo ang nadarama ng tauhan.

Ano ang nararamdaman ko kapag ganito?

Kapag ganito?

Paano kung ganito?

Ingay, puwede ring pandrowing ng damdamin.

Ang Ingay, bow.

Pero mag-ingat ka

dahil puwedeng iba sa naisip mo ang maisip ng nakikinig.

Ano ang nangyayari rito?

Maraming interpretasyon.

Problema rin kung masyadong maraming Ingay.

Maingay na talaga 'yun.

Madalas isa o dalawang Ingay lang sapat na.

Tandaan, huwag kang masyadong maingay.

Salamat nga pala sa soundsnap.com para sa mga Ingay na ginamit sa podcast na ito.

Sige, una na'ko.

Martes, Agosto 26, 2008

BAKIT RADYO?

(Iskrip ito ng isang podcast.
Kung kukuha ka ng kopya ng podcast,
kalabitin lang ang kawing sa kaliwang-itaas.)


Teka, linawin nga muna natin:
Bakit ba tayo mag-aaral ng radyo?
Di ba laos na 'yon?

May TV na, sine, YouTube, ano pa'ng silbi n'yan?
Di 'ba panahon na ito ng odyobiswal?
Bakit tayo babalik sa odyo?

Para sa'kin simple lang ang sagot, pare.

Bakit radyo o odyo? Apat na dahilan.

Una, ang odyo halos lahat ng tao meron.
Saan may radyo? Sa kotse mo, sa Fx o dyip na sinasakyan mo,
sa barberya, sa pansitan, sa mall, sa kompyuter, sa bulsa mo,
kahit saan halos sa Pilipinas may pantugtog ng odyo.
Abot at abot-kaya ang odyo.

Pangalawa, ang radyo puwede mong dalhin kahit saan.
Patunay noon ang podcast na 'to.
Ewan ko kung nasaan ka ngayon, pero kahit nasaan ka, puwede di ba?
Kahit sa lugar na walang kuryente, kahit sa tuktok ng bundok, kahit sa gitna ng dagat, puwede kang makinig sa radyo.
At ganoon nga ang ginagawa ng milyun-milyong Pilipino.

Pangatlo, ang odyo puwede mong isabay sa iba mong ginagawa.
Pag-aaral, pagluluto, pamamasahe, pagkain, puwede pa rin.
Hindi abala ang odyo. Di nakapaskil ang mata mo sa iskrin.
May iba ka pang puwedeng gawin.

Pang-apat, mas sangkot ka sa odyo.
Mas malinaw kasi sa larawang nakikita ng mata
ang larawang nakikita sa isip.
Pero saka na natin pag-usapan 'yon.
Masyado nang abala ang podcast na ito.
Baka makikinig ka pa ng mga MP3 mo.
Odyo 'yan.

Biyernes, Agosto 22, 2008

Gusto Mong Gumaling sa Dulang Panradyo

Kung gusto mong malaman kung paano lumangoy,
magbabasa ka ba ng libro?
Manonood ng bidyo?
Magpapaturo sa eksperto?
Da-dive sa swimming pool?

Gagawin natin lahat 'yan.
Pero pinakamainam sa ngayon, makinig ka.
Sa tunog sa paligid mo, sa kung paano magsalita ang iba-ibang tao,
sa kung paanong lumalabas ang emosyon sa boses.

Makinig ka na rin sa mga dulang panradyo.
Ang pinakikinggan ko dati ay mga dula sa DZRH, himpilang 666 sa AM.
Mayroon pag tanghali. Pagkatapos din yata ng balita pag gabi.
Hanapin mo. Sulit 'yan.
Marami kang malalaman at matututunan na hindi maituturo sa iyo ng anumang libro.

Laging bukas ang tainga, pare. Gamitin mo.

Huwebes, Mayo 29, 2008

Uy!

Minamahal kong estudyante, kaguro, o kapwa magulang,

Kumusta?

Salamat at nabisita ka.

Matagpuan mo sana ang hinahanap mo.

--PAOLO/serpao/ginoong paculan.